The Paperless Filipino Novel  (Tagalog version)
PARAISO SA GUBAT
BACK TO MAIN
BOOK ONE CHAPTER 1A
Not Suitable for minors under 18
GOTO BACK ISSUE
SOON...
ANOTHER RDSA NOVEL
BAKIT BA PUSO
PinoyCmicBooks
Rudy de SanAgustin’s

PARAISO SA GUBAT
Chapter One Book 1

MGA GABING WALANG KAYAKAP

BLANGKO ANG PAGKAKATINGIN NI BERTSA BINABASANG LOS ANGELES TIME.
HINDI NAMAN SIYA PUYAT, GINIGIYAGIS LANG SIYA NG ISANG BAGAY NA HINDI NAMAN MAHIRAP NA MAKUHA...ANG
PANGUNGULILA NIYA SA ASAWANG SI EVITA, NA MAGBUHAT NANG MAGPA-SCHEDULE SA NIGHT SHIFT, AY BIHIRA NA
SILANG MAGKITA...MAGKATABI...AT MAGTALIK. DOCTOR SI EVITA SA PASADENA GENERAL HOSPITAL, AT SI GILBERT AY
ISANG COMPUTER ANALYST SA ISA SA MAUUNLAD NA NEGOSYO NG BARNER, ANG BARNER TELEVISION. ANG SABI NI
GILBERT SA ASAWA...

"Kung bakit kasi nightshift pa ang napili mo, pwede namang sa pang-araw ka
lang."

"Mas comfortable ako sa nightshift, honey. Saka, mainam ang alternate shift natin. Hindi na kailangan pang ipa-baby
sit ang anak mo."

Kasi nga, ayaw nilang lumaki sa baby sitter ang anak na influenced ng baby sitter. Karamihan sa mga batang
ipinanganak sa America...at lumaki sa kalinga ng baby sitter, sabi ni Gilbert...ay balasubas at walang galang. Okay lang
kung mabuti ang ugali nang mag aalaga. Kay hirap bang maghanap ng may ganoong ugali sa America, at kung si
Gilbert lang ang masusunod, mas gugustuhin pa niyang sa Pilipinas na lang silang mag-asawa magtrabaho, o
magnegosyo na lang.

NOVEMBER 29, 2009

Malamig ang dapyo ng hangin. Naninigid sa kalamnan ni Gilbert. Nanggagaling iyon sa nakabukas na glass window sa
eastern side na kinaroroonan ng master's bedroom. Sikat na ang araw. Nilalaru ng maligamgam na silahis ng umaga
ang mapupulang pisngi ni Evita na mahimbing nang natutulog. Ni hindi na naramdaman ni Gilbert ang pagdating at
paghiga ng asawa sa kaniyang tabi. Pagod din siya at napahimbing sa pagkakatulog. A, kay ganda ni Evita sa gulang
nitong trenta y seis. Malagu ang kilay na hindi kinortihan. Manipis at matangos ang ilong na kuha sa mga ninunong
kastila...ang mamula mulang buhok na sayad sa balikat...ang namumurok na mga pisnging aninag ang maliliit na ugat.
Napabuntong hininga si Gilbert. Napatuon ang mata sa kayamanan ng dibdib ni Evita, pababa...ang pagkaputi puting
mga hita, ang makinis na puson na walang bakas ng pagiging isang ina. Marahang dampi ng mga labing humalik sa
pisngi niyon...at marahang hinilang pataas ang kumot para takpan ang katawan ng asawa. Bumangon na si Gilbert.
Dinala siya ng mga paa sa tabi ng glass window, isinara iyon at lumabas na upang ihanda ang almusal ni
Marichu...pagkatapos, gigisingin niya iyon at bibihisan at ihahatid sa labas kung saan hihintayin nilang mag-ama ang
school bus. At si gilbert, sa cafeteria na ng oficina siya mag-aalmusal. Pag gising ni Evita, iyon na ang maghihintay sa
pagdating ng anak na hatid uli ng school bus. " Ah what a life in these United States." Madalas ipag bungtong hininga
ni Gilbert.

Mahaba ang Pasadena 110. Every morning from Monday through Friday, dito nagdaraan si Gilbert. Para bang kahit
nakapikit siya ay alam niya ang distancia, ang turn-off at kung nasaan ang malalaking billboards na ngayo'y iilan na
lang along the highway. Pag-alis pa lang sa garrage ng Porche 911 na siyang ginagamit niyang pamasok, on na agad
ang satellite radio ng kotse niya. Bahagyang napangiti si Gilbert, may ibinabalik sa gunita niya ang makabagong awitin
ni Shanaia Twain na "ALWAYS AND FOREVER." Ang lyrics ng awiting iyon. Malapit na ang turn-off ni Gilbert at wala sa
loob ang bigla niyang pagkaka merge ng lane. Binusinahan siya at pinagtaasan ng "middle finger ng batang babaeng
kaniyang na-cut.

"What an attitude." napakunot noo lang si Gilbert, at nasabi sa sarili...
"siguro, ganito na rin katarantado ang mga kabataan sa Pilipinas."

Papasok na si Gilbert sa elevator na mag aakyat sa kanya sa 38th floor ng Barner building, patungo sa kaniyang
office. Sa loob, binati siya ng isa sa mga building custodian, si Harry.

"Hi Gilbert, what's up, man..."
"Nothin' much, Harry." At bahagyang nangiti si Gilbert. Sa Pilipinas, hindi ba't lumalagotok na "SIR, MAM" kung
i-address ng mga janitors o messengers ang kanilang mga superiors, o kahit sino pa ngang nakakababa ang
katayuan sa iyo. Dito sa America, kahit na anong taas ng katayuan mo, tatawagin ka lang sa nickname mo. Kay laki ng
pagkakaiba.

"Mornin', Gilbert." At tumaas pa ang isang kilay ni Mary, ang blondie na secretary ni Gilbert. Magandang
maganda si Mary sa suot nitong pulang mini-skirt at puting blazer. " I'm just wonderin' if you know that we don't have
to work for tomorrow." ang dugtong pa ni Mary.
t's not holiday, right? And today is...just Thursday. Am I forgetting
something here?"

Naupo sa kaniyang silya si Gilbert at kinuha ang ilang mga bagong
documents sa ibabaw ng mesa.

"Ha, ha...that's what I thought. Well, you weren't notified because...you
were not here since Monday. They will change the setup. Our office will
move to a bigger one. Two stories up." At tumingala pa si Mary at tumuro
ang kanang kamay pataas, habang hawak ang coffee mug na dahan-
dahang ibinababa sa mesa ni Gilbert. Sa pagyuko ng magandang Blondie,
bahagyang lumitaw ang namumurok nitong dibdib.

Maunlad ang Barnerr Television. Three years nang nagtatrabaho dito si Gilbert as computer analyst. Nang una
siyang alukin ng company, seventy five grand lang ang starting niya. After a year, six figures na ang annual salary
niya. At ngayon, another increase. Sabi sa kanya ni Jim Barnerr..."you still hold your present postion, Gilbert, but
you will be transferred close to my office plus a 15% increase, how's that?" at tinapik pa siya ni Jim sa kanang
balikat.

Sa dagdag sweldo ni Gilbert, hindi na nakakahiya sa asawa niyang si Evita. Heart surgeon si Evita at naggo gross
ng almost two million dollars a year. Ngunit malaki rin ang tinataggal na tax ni Uncle Sam. Halos kalahati, at kahit
pa nga isama ang tax-write-off sa mal practice pati na ang mga properties nila, hindi pa rin aabot kahit sa kalahati
ang kita ni Gilbert sa asawa.

Maunlad na rin sila ni Evita. Ang twenty-door apartment nila sa Alhambra, ang kabibili nilang cabin log sa Reno
Nevada, at ang condo nila sa New York. Just last month, magko close ang escrow sa binibili nilang apartment sa
Las Vegas at isa pang vacation house sa Yosemite National Park...mga tax shelters nila sabi ni Evita. Ang
publication nila sa Fresno, bagama't hindi gaanong kumikita, nakatutulong naman sa mga kababayan nilang
Pilipino na duon nagtatrabaho.

"Your coffee is gettong cold , Gilbert..."

Napatingala si Gilbert at kinuha ang coffee mug na tinimpla ni Mary.

"Thanks" ...at hinigop ni Gilbert ang medio malamig na ngang coffee. Matagal na nasa sa labi ni Gilbert ang coffee
mug, nilalaru laro lang iyon ng kanyang mga labi, at nang ibaba...bahagyang tumagilid at tumuon ang tingin sa
magandang si Mary na inaayos ang inilalagay na bulakalak sa kanyang mesa.

"We can have dinner if you want..." Malambing na sabi ni Mary..."in my apartment"...at bahagyang binasa ng
magandang secretary ng dila ang mininipis nitong mga labi upang patinkarin ang purple-color na lipstick. Matagal
iyong nilaru laro at saka dahan dahang kinagat ang lower lip.

Gustong tumutol ni Gilbert, pero meron sa sarili niyang nagtutulak na paunlakan ang anyaya ng maganda niyang
secretary. "Tutal.." sa loob niya, "wala namang masama" ... Maganda naman ang paglilingkod sa kanya ni Mary.

"Well, why not. You've been here in my office for almost two years now, and i've never invited you for dinner or
lunch."

Umuungol ang porche ni Gilbert sa kahabaan ng ngayo'y ma traffic na Wilshire Boulevard. Pumarada iyon sa
ITALIAN CUISINE ang PAPAGANI'S, kung saan makikita mo ang ilang celebrities na duon dumadayo. Sa isang panig
ng PAPAGANI'S ang VIPs. Cozy, maganda ang pagka kaayos. Candle lighted ang lahat ng mesa na bahagyang
maaninag ang mga white orchids na nagpapatinkad sa kabuuan na sinasaliwan ng malamyos na awiting jazz
"EUROPA" ni diBlasio. Sa bungad ng malaking two-door, ang life-size statue ni Venus at Paris. Tumuon ang mga
paningin ni Gilbert sa magandang hubog ng statue ni Venus at marahang bumaling sa magandang si Mary na
ngayon ay kaharap na niya sa mesa. Marami silang napag usapan ni Mary habang kumakain.

"I was just fifteen when my father died in an accident. Mom got married again after a year. I couldn't get along
with my stepfather. He was an abussive person and almost rape me, but mom came early that day from work...and
that saved me." Inabot ni Mary ang kopita ng red wine at marahan iyong dinala sa kaniyang mga labi. "I ran away
from home..." patuloy nito..."passed away the nights along the street with other runaway kids...until a social
worker from the department of runaway children found me..." huminto sandali sa pagsasalaysay si Mary at muling
ininom ang kaniyang wine.

"She's a nice black woman..." patuloy ni Mary...i owe her a lot for what I am now. She introduced me to a very nice
couple who then adopted me. Older Spaniard couple. They never had luck of having a child. They loved me so
much...dressed me, sent me to school until I finished my aa degree..." pagtatapos ni Mary.

Namatay ang magasawang kumupkop kay Mary. Natunton siya ng kaniyang ina, at kinuha siya. Sumama lang si
Mary sa ina nang malaman niyang patay na pala ang kaniyang stepfather.

At si Gilbert..sa Pilipinas ay hindi sila mayaman. Professor ang tatay niya at abogada ang kaniyang ina. Alam na ng
secretary niyang si Mary na doctor ang asawa niyang si Evita. Ang hindi niya alam: Mayaman ang mga magulang ni
Evita at ipinanganak ang mga itong may silver spoon sa bibig. Naging Governor pa ng lalawigan nila ang ina ni
Evita.

Tapos na silang maghapunan. Inihatid na ni Gilbert si Mary sa apartment na inuupahan lang nito. Inihatid pa ni
Gilbert ang magandang secretary hanggang sa may pinto. "You can kiss me goodnight, Gil..." sabi ni Mary at
ipinikit pa nito ang mga mata na naghihintay sa pagdadantay ng mga labi ni Gilbert sa kaniyang mga labi.

Napalunok si Gilbert. Nanatili itong walang masabi. Buhat ng makarating sila ni Evita sa America, hindi niya naisip
man lang na lokohin ito o pagtaksilan. Ni sumagi man lang sa muni niya na mahumaling siya sa ibang babae...o
magka interest man lang na makayakap o makahalik ng isang magandang banyaga na katulad ni Mary na ngayo'y
nag aanyaya. Mapangahas at malaya sa kanilang damdamin ang mga babaeng Caucasian. May init ang halik na
naramdaman ni Gilbert na dumapo sa kaniyang mga labi...maalab...mapusok at pilit na humahamon sa katatagan ng
paninindigan ni Gilbert. Lumalamukos ang maiinit na labi ni Mary na pilit pumapasok sa kasulok sulukang
himaymay ng laman ni Gilbert. Humapit pa ng mahigpit ang malalambot nitong mga kamay sa batok ng lalake...may
tininag ang mga halik na iyon na ngayo'y unti unting nagpapainit sa gustong magliyab na pagkalalaki ni Gilbert.

Matagal...matagal na naglapat ang mga labi ng dalawa na nang ilayo ng magandang si Mary ang mukha nito sa
pagkakahalik....para pang gustong humabol ng halik ni Gilbert na inuhaw ng pananabik.

"Goodnight, I'll see you tomorrow." Ang mahina at parang balaning humihigop sa buong katawan ni Gilbert.
Walang pagmamadaling marahang humakbang ang dalaga patungo sa sala ng kaniyang apartment...huminto at
lumingon kay Gilbert...may gustong sabihin ngunit nanatili lang na nakaawang ang maninipis na labing gustong
mag anyaya ng isang nakahihibang na bagay. Marahang iling ni Mary na nakatitig kay Gilbert at nakangiting dahan
dahang isinara ang pinto nang patuloy pa ring walang kibo si Gilbert.

Kung may isip lang at nakapagsasalita ang porsche ni Gilbert, magyayabang ito. Iminamaneho yata siya ng
magaling niyang amo. Isa yata itong Caballerong hinahangaan ng mga babae. Iyon din kaya ang dahilan kung bakit
siya binili ni Gilbert? Maaari...ngunit para kay Gilbert isa lang iyong status quo. Kailangan nila iyon sa katayuan
nilang mag asawa. Si Evita nga ay dalawa ang ginagamit na sasakyan; isang mercedez at isang volvo na SUV.

Almost 7:00 na nag gabi ng dumating si Gilbert sa bahay. Naroon pa si Evita. . . ang maganda niyang asawa. Hindi
pa ito nakabihis para pumasok sa Hospital. A...kung alam lang ni Evita ang pagkakahalik sa kanya ng secretary
niyang si Mary.

'Hindi ka pa nakabihis?" Ang bungad ni Gilbert sa asawa na patungo sa ref. Nakangiting binalingan siya ni Evita.

"At bakit po gusto nyo akong pumasok?" Sabi ni Evita habang binubuksan ang ref para kumuha ng ice tea.

"Hindi ka papasok?" Pagtataka ni Gilbert. Bahagyang napatawa si Evita.

"Honey, It was you who suggested that I take a day-off. You said you'd like us to have dinner at Hollywood Cafe in
Rodeo Plaza."

"A..."

"Yes...Nalimutan mo na?" Patuloy ni Evita at dinala sa bibig ang ice tea.

"Kasi ba naman..." sabi Gilbert na hindi na naituloy ang sasabihin....lumapit si Evita at malambing na yumakap sa
kangyang likuran. Dumantay ang malalambot na dibdib ni Evita sa kanyang likod. Sa Tagal na panahaon na nilang
pagsasama, hinahanap pa rin niya ang init ng katawan at paglalambing nito...ang pagmamahal ni Evita na walang
pagbabago... at siya...si Gilbert---nagbago na ba siya?

Hindi na nagbihis pa si Gilbert. Buong pagsuyong pinanuod ang asawa sa pagbibihis nito sa kanilang kuarto.
Hinayaan lang ni Evita na busugin ng mga mata ng asawa sa walang kupas niyong paghanga sa kanya. Kay ganda
ni Evita. Kahit na saang aggulo. Marahan, masuyo at puno ng pagmamahal na humaplos ang mga kamay ni Gilbert
sa puson ng asawa. Madulas and silk na bistidang suot niyon. gustong bumaba ng mga haplos...may
inaapuhap....may gustong damhin....may gustong magwala sa damdamin ni Gilbert...para siyang inuuhaw....

"Honey...baka hindi tayo makaalis...mamaya na lang..." marahan ang malambing na ingit ni Evita..."At si Marichu,
dadalhin pa natin kina ate." Unti-unting nabuhusan ang painit nang damdamin ni Gilbert na gustong magliyab.

Mga seven miles din ang layo ng bahay ng nakatatandang kapatid ni Gilbert, pero on the way to Hollywood kung
saan sila pupunta. Aayaw na nilang isama ni Evita ang anak dahil may pasok pa iyon kinabukasan.

Busog pa si Gilbert dahil katatapos lang nilang mag dinner ni Mary. Pinilit lang niyang kumain para ipaalam sa
asawang hindi pa rin siya naghahapunan. Gaya ng PAPAGANI'S, sa Hollywood Cafe mo rin makikita ang ilang mga
celebrities. Nasa gawing kaliwa nila, at itinuro ng tingin ni EVita ang sikat na male hollywood star na may
kasamang magandang itim na mulata, isang modelo.

"Inggit ka ba?" Nanunuksong sabi ni Evita na nakangiti na dumako ang tingin sa sinasabing hollywood actor at
kasama nitong modelo.

"Ba't ako maiinggit, mas maganda ka yata sa modelong iyon." Pagmamalaki ni Gilbert na pinipilit iwaksi ang mga
paningin sa tinutukoy ng asawa. Sabi pa ni Gilbert, "kahit pa nga siya modelo pa..." marahang napatawa si Evita.

Sweet pa rin silang mag-asawa. Wala pang binabago sa ngayon ang kanilang pagsasama. At kay Gilbert; malayo
iyong mangyari. Pagkagaling nila sa Rodeo Plaza, nagtuloy silang manuod ng cine. Gaano na ba katagal nila itong
hindi ginagawa dahil sa sobrang busy nila sa kanilang trabaho. A, more than a year na yata sabi ni Evita. Ngayon,
para silang bagong kakakasal lang sabi naman ni Gilbert...idudugtong ni Evita..."See, hindi ba ito ang laging gusto
mo..suspense at laging sabik ka." at sasabihin ni Gilbert..."pero honey, sobra namang suspense ito, aba'y parang
millennium na ito para sa akin..." at paikpik ang pagtawa ni Evita na kukurot ng maliliit sa kanyang mga bisig...at
idudugtong pa nito..." para kang dumidiga."

Pauwi na sila. Drive ni Gilbert ang Volvo ni Evita. Almost 12:00 midnight na. Hindi na nila kakaunin si Marichu sa
ate nila. Tinawagan na lang nila habang pauwi sila ang ate Melba nila at sinabing sa umaga na lang nila iyon
susunduin para ihatid sa school kinabukasan.

Ugali nilang maligo bago matulog. Uneasy paghindi nakapag shower sabi ni Gilbert. Si Evita naman aayaw ng may
alikabok galing sa labas ang katawan na ihihiga ng kama.

Nasa harap ng dresser si Evita na tinutuyo ng blower ang buhok ng pumasok si Gilbert na katatapos ring mag
shower. Katamtaman lang ang temperature ng heater sa loob ng bahay; sixty five degrees at hindi mo na
kailangan ang makapal na kumot kahit na ngayong winter time. Hindi naman nagpo frost sa L.A.

Walang ibang saplot ang magandang katawan ni Evita maliban sa white towel na nakapalupot sa kaniya. Marahan
at masuyo ang dantay ng mga labi ni Gilbert sa balikat ng asawa habang dahan-dahang inaalis nito ang towel na
nakabalut sa katawan nito. Lumantad ang kagandahan ni Evita. Nagpatuloy sa paggapang ang uhaw na mga labi ni
Gilbert...gumagapang na sa buo niyang katawan ang naglalatang na pananabik sa malambot na katawan ni
Evita...bumababa ang mga labing waring naghahanap ng kayamanan... ng batis na panawid-uhaw sa nanunuyo
niyang lalamunan...sa kay tagal ng tigang na katawan na inuhaw ng panahon...ng kung ilang panahon para kay
Gilbert...bumaba ang naglalatang na pananabik ni Gilbert...humatong ang uhaw na mga labi sa mayaman at
umaalon nang dibdib ng magandang asawa. Mahabang buntong hininga ang hinugot ni Evita na bahagyang
nagpawala ng impit at marahang daing....matagal na humimlay sa dibdib ng asawa ang mga labi ni Gilbert ...at
ngayon at ngayon ay dahan dahang bumaba...sa inaalon at mapulang puson ni Evita...pababa...pababa sa
nakababaliw na bahagi ng kaligayahang iyon ni Evita...Nakagat ni Evita ang mga labi impit ang pinipigil na daing na
halos pumanaw ang muni sa ligayang nadarama. Lumiyad ang mala-Venus na balakang na gustong humabol sa
umangat na mga labi ng asawa. May gustong sumambulat sa nag-aapoy nang pagmamahal ni Gilbert. Dahan-dahan
ang paghihiwalay ng mamula-mulang mga hita ni Evita na nag aanyayang pumasok ang asawa sa kanyang langit.
Pumaibabaw ang luwalhati at buong suyong pinasok ang langit na inihahain ni Evita. Masuyong pinasok at
ginalugad ang paraiso at langit ni Evita...hinahanap ang ligayang inaawit ng mga anghel na nagsasabog ng
bulaklak sa paligid ng hardin ni Evita. May unos sa loob ng hardin...lumayo ang mga anghel sa biglang pagsabog
ng malakas na kulog kasabay ng malakas na ihip ng hangin at ulan na didilig sa tigang na hardin na kay tagal na
hindi nabiyayan ng ulan.

Tapos na ang malakas na ulan sa paraiso ni Evita. Nasubhan na ang lunggati sa dawalang katawan, ngunit aayaw
pang lumabas ng paraiso ang pagod na katawan ni Gilbert. Kung ilang sandali rin siyang nanatili sa malambot na
katawan ni Evita...at si Evita...maligayang maligaya.

Umaga na. Napahimbing ang tulog ni Gilbert. Hindi na niya namalayan na wala na pala ang asawa sa kaniyang tabi.
Sinundo na marahil para ihatid sa eskuela ang anak nilang si Marichu.

Timplado na ang coffee sa ibabaw ng mesa. Sa America, kahit na ganuon kalaki ang kita nilang mag-asawa, ay
hindi pa rin sila maka afford kumuha ng katulong na stay-in. Dalawa lang ang nagpupunta sa kanila; ang Mexican
immigrant na si Juanita na naglilinis ng mga windows, nagva vacuum ng carpet, at isang Mexicanong nag aalaga
ng garden, si Marco. Hindi araw-araw ang trabahong iyon ng dalawang Mexicans. Three times a week lang na
wala pang apat na oras kada araw ang trabaho ng mga iyon sa kanila. At hindi mo sila puedeng utusan ng ibang
gawain. Sabi nga ni Gilbert; sa atin sa Pilipinas, talo pa ng mga ito ang kita ng isang kauumpisang nurse o isang
bank manager. Bakit nga hindi, ang gardener nila ay $1,300 a month ang contrata sa kanila at si Juanita ay $900.00
ang bigay nila isang buwan. De cotse pa ang mga iyon na bagong modelo pa ang minamaheho.

Sa garrage, napailing si Gilbert. Natapunan ng tingin ang bunton ng maruruming mga damit nilang mag-anak.
Dahil wala siyang pasok ngayon, siya ang magsusubo ng mga iyon sa washing machine, at magda dryer. Ten na ng
umaga at pababa na ang lamig wala namang fog sa L.A. Sanay na naman silang mag-asawa na mag drive sa
ganuon climate ng panahon, kahit pa nga umuulan. Sa isip niya, siguro ay nagdaan pa si Evita sa grocery. 7:30 ng
gabi pa ang pasok niyon sa hospital.

Kinuha ni Gilbert ang Los Angeles Time na everyday inihahagis lang ng delivery truck, ay sa papasok naman ang
mercedez ng asawa kasunod ang lexus car na drive ni Juanita. Hindi schedule ni Juanita na maglinis ngayon,
naalala ni Gilbert na natapunan ng tingin ang check na isinulat ni Evita para sa buwan na ito. Kailangan na rin ng
gardener na si Marco ang check niya. Kapapasok lang ng coche ni Evita ng tumunog ang cellphone nito.

"Honey, pakibigay lang ang check ni Juanita, it's on the coffee table. Tatawagan ko lang ang hospital. I have some
groceries at the back of the car."

" It's okay, hon." Kasunod na ni Evita si Gilbert, kinuha ang check at lumabas. Naghihintay na si Juanita. Nakangiti
iyon nang iabot niya ang check.

"Muchas gracias señor Gilbert." At muling ngumiti si Juanita. Lumabas ang mga dimples nito sa mapupulang
pisnge na walang anumang make-up. Maganda si Juanita. Sa edad nitong mga twenty something. Sa Pilipinas
kukunin na itong leading lady sa pelikula, que se hodang hindi marunong mag-tagalog. Laging may comparison si
Gilbert, sa anumang bagay maganda man o pangit, at ang comparison niya...ay laging ang America at ang bansa
niya.

Naipasok ng lahat ni Gilbert ang mga groceries ay nasa phone pa rin si Evita na ngayo'y dahan dahan at
malungkot na ibinababa ang cellphone na hawak. "May problema ba?" Ang tanong ni Gilbert na nagaalala sa anyo
ng asawa, habang isinasara ang pinto ng refrigerator nang maipasok na ang huling groceries sa loob.

"Do you remember, yong sinabi ko sa iyong bata na inoperahan ko sa puso last month..." at pabagsak na naupo sa
couch. " She just died an hour ago, hon. I knew she wouldn't survive after that surgery. but i did my best."

Naupo sa tabi ng asawa si Gilbert. Masuyong kinabig iyon sa kanyang dibdib. Duon siya laging kailangan ni Evita.
Ilang taon na bang heart surgeon ito, ngunit malalay ang dibdib sa ganuong situation. Ang kulang kay Evita; lakas
ng loob sa mga problemang hindi naman kailangan dalhin. Lagi nga siyang tinutukso ni Gilbert kung kalmante na
ito at balik sa normal mood. "dapat sa iyo, artista. Kasi, bagay sa iyong magdala ng lungkot at luha. Nakakamukha mo
si Nicole Kidman kung umiiyak ka." At sasabayan niya ng tawa. Kasunod niyon ang maliliit na kurot ni Evita sa
kaniyang tagiliran, at yayapin niya ito at pupupugin ng halik. Ganuon silang lagi...very sweet.


CHAPTER TWO

ANG PARAISO AT SI EVA

                              December 22, 2010


Nakalipat na si Gilbert sa bago niyang office. Maluwang iyon, maganda ang pagkakaayos. Ilang computer units, mga bago pinalitan na ang mga luma ng new models.
Naruruon din ang bago niyang laptop at iPad sa ibabaw ng malaking mesa niya. Sa ibabaw ay isang base ng white orchids, isang 5 X 8 inches na electronic frame
downloaded ng mga photos nila ni Evita ang anak nilang si Marichu.