PARAISO SA GUBAT
BLANGKO ANG PAGKAKATINGIN NI GILBERT SA BINABASANG LOS ANGELES TIME.
HINDI NAMAN SIYA PUYAT, GINIGIYAGIS LANG SIYA NG ISANG BAGAY NA HINDI NAMAN MAHIRAP NA MAKUHA...ANG
PANGUNGULILA NIYA SA ASAWANG SI EVITA, NA MAGBUHAT NANG MAGPA-SCHEDULE SA NIGHT SHIFT, AY BIHIRA NA
SILANG MAGKITA...MAGKATABI...AT MAGTALIK. DOCTOR SI EVITA SA PASADENA GENERAL HOSPITAL, AT SI GILBERT AY
ISANG COMPUTER ANALYST SA ISA SA MAUUNLAD NA NEGOSYO NG BARNER, ANG BARNER TELEVISION. ANG SABI NI
GILBERT SA ASAWA...

"Kung bakit kasi nightshift  pa ang napili mo, pwede namang sa pang-araw ka
lang."

"Mas comfortable ako sa nightshift, honey. Saka, mainam ang alternate shift natin. Hindi na kailangan pang ipa-baby
sit ang anak mo."

Kasi nga, ayaw nilang lumaki sa baby sitter ang anak na influenced ng baby sitter. Karamihan sa mga batang
ipinanganak sa America...at lumaki sa kalinga ng baby sitter, sabi ni Gilbert...ay balasubas at walang galang. Okay lang
kung mabuti ang ugali nang mag aalaga. Kay hirap bang maghanap ng may ganoong ugali sa America, at kung si
Gilbert lang ang masusunod, mas gugustuhin pa niyang sa Pilipinas na lang silang mag-asawa magtrabaho, o
magnegosyo na lang.

                           NOVEMBER 29, 2007

Malamig ang dapyo ng hangin. Naninigid sa kalamnan ni Gilbert. Nanggagaling iyon sa nakabukas na glass window sa
eastern side na kinaroroonan ng master's bedroom. Sikat na ang araw. Nilalaru ng maligamgam na silahis  ng umaga
ang mapupulang pisngi ni Evita na mahimbing nang natutulog. Ni hindi na naramdaman ni Gilbert ang pagdating at
paghiga ng asawa sa kaniyang tabi. Pagod din siya at napahimbing sa pagkakatulog. A, kay ganda ni Evita sa gulang
nitong trenta y seis. Malagu ang kilay na hindi kinortihan. Manipis at matangos ang ilong na kuha sa mga ninunong
kastila...ang mamula mulang buhok na sayad sa balikat...ang namumurok na mga pisnging aninag ang maliliit na ugat.
Napabuntong hininga si Gilbert. Napatuon ang mata sa kayamanan ng dibdib ni Evita, pababa...ang pagkaputi puting
mga hita, ang makinis na puson na walang bakas ng pagiging isang ina. Marahang dampi ng mga labing humalik sa
pisngi niyon...at marahang hinilang pataas ang kumot para takpan ang katawan ng asawa. Bumangon na si Gilbert.
Dinala siya ng mga paa sa tabi ng glass window, isinara iyon at lumabas na upang ihanda ang almusal ni
Marichu...pagkatapos, gigisingin niya iyon at bibihisan at ihahatid sa labas kung saan hihintayin nilang mag-ama ang
school bus. At si gilbert, sa cafeteria na ng oficina siya mag-aalmusal. Pag gising ni Evita, iyon na ang maghihintay sa
pagdating ng anak na hatid uli ng school bus. " Ah what a life in these United States." Madalas ipag bungtong hininga
ni Gilbert.

Mahaba ang Pasadena 110. Every morning from Monday through Friday, dito nagdaraan si Gilbert. Para bang kahit
nakapikit siya ay alam niya ang distancia, ang turn-off at kung nasaan ang malalaking billboards na ngayo'y iilan na
lang along the highway. Pag-alis pa lang sa garrage ng Porche 911 na siyang ginagamit niyang pamasok, on na agad
ang satellite radio ng kotse niya. Bahagyang napangiti si Gilbert, may ibinabalik sa gunita niya ang makabagong awitin
ni Shanaia Twain na "ALWAYS AND FOREVER." Ang lyrics ng awiting iyon. Malapit na ang turn-off ni Gilbert at wala sa
loob ang bigla niyang pagkaka merge ng lane. Binusinahan siya at pinagtaasan ng "middle finger ng batang babaeng
kaniyang na-cut.

"What an attitude." napakunot noo lang si Gilbert, at nasabi sa sarili...
"siguro, ganito na rin katarantado ang mga kabataan sa Pilipinas."

Papasok na si Gilbert sa elevator na mag aakyat sa kanya sa 38th floor ng Barner building, patungo sa kaniyang
office. Sa loob, binati siya ng isa sa mga building custodian, si Harry.

"Hi Gilbert, what's up, man..."
"Nothin' much, Harry." At bahagyang nangiti si Gilbert. Sa Pilipinas, hindi ba't lumalagotok na "SIR, MAM" kung
i-address ng mga janitors o messengers ang kanilang mga superiors, o kahit sino pa ngang nakakababa ang
katayuan sa iyo. Dito sa America, kahit na anong taas ng katayuan mo, tatawagin ka lang sa nickname mo. Kay laki ng
pagkakaiba.

"Mornin', Gilbert." At tumaas pa ang isang kilay ni Mary, ang blondie na     secretary ni Gilbert. Magandang maganda
si Mary sa suot nitong pulang mini-skirt at puting blazer. " I'm just wonderin' if you know that we don't have to work
for tomorrow." ang dugtong pa ni Mary.

"It's not holiday, right? And today is...just Thursday. Am I forgetting
something here?"          

Naupo sa kaniyang silya si Gilbert at kinuha ang ilang mga bagong
documents sa ibabaw ng mesa.

"Ha, ha...that's what I thought. Well, you weren't notified because...you
were not here since Monday. They will change the setup. Our office will
move to a bigger one. Two stories up." At tumingala pa si Mary at tumuro
ang kanang kamay pataas, habang hawak ang coffee mug na dahan-
dahang ibinababa sa mesa ni Gilbert. Sa pagyuko ng magandang Blondie,
bahagyang lumitaw ang namumurok nitong dibdib.